VLOG WATCH: Mukbang Time with Ryan Bang and James Reid!

Vlog Watch

ALAM NIYO BA na good friends ang It’s Showtime host na si Ryan Bang at ang Careless Music Manila CEO na si James Reid?

Sa mga too young OR too old to remember, nagkakilala sina Ryan at James sa ikatlong season ng Pinoy Big Brother Teen Edition kung saan si James Reid ang itinanghal na Big Winner. Since then, parehong naging ‘big winners’ in their own ways sa showbiz ang magbestfriend.

Si Ryan Bang ay nahilera bilang isang komedyanteng Koreano sa It’s Showtime at lumabas na rin sa iba’t ibang TV shows sa ABS-CBN at mga pelikula. Naging leading man pa nga siya ni Kim Chiu sa The One That Ghost Away, eh!

Alam naman natin lahat na isa sa male superstars of his generation si James Reid. Ilang taon pagkatapos manalo sa PBB ay lumipat ito sa Viva Artists Agency at doon niya nakilala ang kanyang reel-to-real partner na si Nadine Lustre na naging isa sa hottest tandems sa showbiz. Ngayon, he is his own boss and taking things slow by concentrating on music.

Nagkaroon ng reunion ang magbestfriend sa bagong video ni Ryan Bang where in a rare occassion ay lumabas rito si James Reid to do a Mukbang ng mga pagkaing ino-offer ng bagong business venture ni Ryan Bang na Ducap. In fairness, mukhang masarap!!