VLOG WATCH: Mukbang Prank Gone wrong nina Barbie Forteza at Divine Tetay kay Jak Roberto (nasasakal nga ba?!)

Vlog Watch

GOING STRONG ang real-life romantic partnership ng Kapuso stars na sina Jak Roberto at Barbie Forteza. Hindi man ang mga karakter nila ang nagkatuluyan sa ending ng romance-comedy series na ‘Meant To Be’ kung saan sila nagkakilala, sa tunay na buhay naman ay sila ang totoong meant to be! O, ‘diba?!

Marami ang hindi nakakaalam na good friends ng JakBie ang komedyante na si Divine Tetay, na una rin nilang nakilala sa set ng Meant To Be. In short, isa siya sa mga naging saksi sa pag-bloom ng relationship nila from reel to real!

Si Divine Tetay ang isa sa mga active comedians sa YouTube ngayon at habang tumatagal ay lalong dumarami ang kanyang subscribers. Espesyal ang latest episode niya dahil inimbitahan niya ang JakBie sa isang Japanese food mukbang na may question and answer. Kaso, bakit napaiyak si Barbie Forteza?

May nasabi ba sina Jak at Divine Tetay para maiyak ng bongga ang Kapuso Drama Princess? Nasasakal nga ba si Jak sa relasyon nila ni Barbie? Panoorin ang mukbang prank gone wrong na ito!