VLOG WATCH: Mommy Ryza Cenon’s Day with Baby Night!

Vlog Watch

RYZA CENON is now a certified mommy!

Bago natapos ang taong 2020 ay nanganak si Ryza Cenon to a healthy baby boy named Night. Kitang-kita sa mga video uploads ni Ryza na ginagampanan niya ng bonggang-bongga ang kanyang real-life role bilang isang bagong nanay!

Before the pandemic, maraming pending projects si Ryza – may dalawang pelikula ito with Viva Films at may nilulutong serye para sa kanya for cable. Natapos naman niya ang serye (Bella Bandida na napapanood sa TV5) na talagang tinodo na ng dating Starstruck Ultimate Female Survivor ang kanyang action and drama scenes.

Sa video na ito ay masisilip natin ang buhay ni Ryza bilang isang ina na nag-aalaga sa kanyang anak. She sees to it na nakakakain siya ng masustansya para na rin magkaroon ng sapat na gatas for her son at in a way ay nag-uumpisa na rin mag-diet para soon ay ready na ulit siya to go back to work!

Nakakaaliw panoorin ang mga paborito nating artista na napanood natin na magdalaga hanggang sa ngayon na sila’y mga ganap nang ina.