VLOG WATCH: Mikee Quintos Home by BTS Dance Cover

ADVERTISING
Vlog Watch

FAN KA BA ng Kapuso actress na si Mikee Quintos? Fan ka ba ng BTS? Kung yes at yes ang sagot mo, you’re in for a treat!

Bihira gumawa ng dance cover ang young actress na napapanood natin gabi-gabi sa reruns ng Encantadia. Kung karamihan ng celebrity BTS fans ay puro dance cover ng Dynamite o Savage Love Remix ang ginagawa, iba ang napiling kanta ng dalaga.

ADVERTISING

Siguro’y inspired by one of the performances of BTS sa The Tonight Show with Jimmy Fallon o kaya’y dahil kasama niya ang kapatid na si Jodee, ang swak sa quarantine song na ‘Home’ ang napiling gawan ng dance cover ng aktres. O ‘di ba, kakaiba talaga? Kakaiba, but we love it!

Panoorin ang swabeng dance cover nina Mikee at Jodee ng kantang ‘Home’ ng BTS!

ADVERTISING

Narito naman ang performance ng BTS ng Home. Cute ng Bangtan talaga!

Kung miss niyo na si Mikee o kaya nama’y curious kayo kung sino siya, better watch Encantadia sa GMA Telebabad o kaya’y hintayin ninyo ang kanyang bagong TV project with newbie Kapuso actor Kelvin Miranda na ‘The Lost Recipe’. Exciting!

ADVERTISING