VLOG WATCH: Michelle Madrigal’s Home Gym (for fitspiration!)

Vlog Watch

MATAGAL-TAGAL na rin wala sa showbizlandia ang magaling na sexy actress na si Michelle Madrigal. In case hindi kayo updated, sa Amerika na naka-base ang dating SCQ finalist turned character actress at ngayo’y mas kinakarir na ang pagiging misis sa kanyang asawang si Troy Woolfolk at anak na babae na si Anika.

Isa na rin fitness coach si Michelle at in fairness, na-maintain nito ang kanyang sexy figure na s’yempre, talagang pinaghihirapan niya sa pamamagitan ng regular workouts.

Sa kanyang YouTube vlog ay regular na ipinapasilip ni Michelle ang kanyang buhay sa Amerika. Ang pinakapaborito namin ay ang kanyang workout videos na sinubukan namin gayahin at yes, nakakapagod! Kailangan namin ng inspirasyon to go on!

Well, ‘yan mismo ang ginawa ni Michelle sa kanyang buena manong video upload ngayong 2021. May home gym ang Woolfolk Family kaya naman talagang fitspiration ang mag-asawa! Kung bet ninyo maglagay ng sariling gym sa bahay, you can get ideas on Michelle’s latest vlog. Tara na’t magbalik-alindog na!