VLOG WATCH: Michelle Madrigal’s Empty Apartment Tour (New Beginning!)

Vlog Watch

ISANG bagong yugto ng kanyang buhay ang binuksan ng dating aktres na si Michelle Madrigal sa kanyang personal na buhay.

Naging open si Michelle sa pinagdaanan nila ng kanyang ex-husband. Ngayon na sila ay divorced na, bumukod na si Michelle at nagdesisyong mag-umpisa muli sa pamamagitan ng pagkuha ng bagong apartment.

Just like any other new homeowner ay kitang-kita ang excitement ni Mommy Michelle kahit na siya ay napagod sa kanyang paglilipat. Bago nito i-arrange ang kanyang mga gamit ay nagpa-Empty Apartment Tour muna ito.

Happy kami para kay Michelle at sa kanyang unica hija na si Anika dahil mukhang maganda ang nilipatan nilang apartment complex. May this be a fresh and good start!