VLOG WATCH: Mga Hunks na gusto tropahin at jowain nina Yasmien Kurdi, Bea Binene at Gabbi Garcia, bulgar na!

ADVERTISING
Vlog Watch

GABI-GABI natin napapanood sa GMA Telebabad ng Kapuso network ang ‘Beautiful Justice’ na pinagbibidahan ng homegrown beauties na sina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia at Bea Binene. Para pasayahin ang kanyang mga subscribers whom she fondly calls as her ‘panggas’, nilaro ng tres marias ang fun game na ‘Jojowain o totropahin’.

Sinu-sino nga ba ang mga celebrities na bet jowain nina Yasmien, Gabbi at Bea at sino ang friendzoned na kaya hanggang tropa na lang sila?

Sino ang co-star nila sa Beautiful Justice na lahat sila ay gusto nilang jowain at puro good words ang sinasabi nila sa hunk na ito? At sino naman ang sa pagiging super friendly sa cast ay na ‘tropa-zone’ na by default?

Sino ang ex-boyfriend na nadyowa na dati kaya hanggang tropa na lang ngayon? Sino ang super bestie na naging tropa na lang ng bayan? At sino ang matinik na lalaki na nakilala bilang ‘kuya’ pero ngayon na dalaga na sina Gabbi at Bea ay puwede na rin jowain ng Kuya? Nakakaloka! Nood na!

ADVERTISING
ADVERTISING