VLOG WATCH: MayMay Entrata’s Dance Cover of Maria by Hwasa

Vlog Watch

WOW. ‘Yan lang ang nasabi namin nang mapanood namin ng buo ang bonggang comeback ng Kapamilya star na si MayMay Entrata sa kanyang YouTube channel. Isang unkaboggable lang naman na dance cover ang kanyang ipinatikim, huh!

Move over na sa mga dancers na mahilig mag-cover ng Kpop songs dahil sa ngayon ay kay MayMay na ang korona. Ang sexy and empowering song na ‘Maria‘ ni Hwasa na miyembro din ng girl band na ‘Mamamoo‘ ang napiling i-cover ni MayMay na swak na swak sa kanya.

Actually, sensual ang kanta at requirement nito ang confidence to convey the message of the song na tungkol sa pinagdaanan ni Hwasa bilang isang public figure sa South Korea at kung paano ito nakakaapekto sa kanyang mental health.

Dahil sa indak ni MayMay, asahan na natin na dadami pa ang mga dance covers nito in the future. What about Jessi’s Nuna Nuna? Pak na pak yan! ganern!