VLOG WATCH: Maui Taylor reacts to ‘Paglaki Ko, Gusto Ko Maging..’ trailer comments

Vlog Watch

NAGISING ang diwa ng mga fans ng Original Hot Babe na si Maui Taylor a.k.a. ‘Mga Ka-Childhood’ nang ilabas ng Viva Films ang trailer ng ‘Paglaki Ko, Gusto ko Maging Pornstar’ dahil na-shock ang mga ito sa title ng pelikula at kung sino ang co-stars ni Maui sa pasabog na ito na mas malakas pa sa bomba ang explosion!

Sure kami na magbabalik ang ‘childhood’ memories ng mga lalaki na once upon a time ay pinagpantasyahan nila sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at s’yempre, si Maui Taylor!

Trailer pa lang, marami na ang natawa at natuwa sa pagsasama ng mga iconic sexy stars ng Pilipinas. Sa shocking title ng pelikula, hindi ba’t nakaka-curious din kung ano ang reaksyon ng mga bida na sa totoo lang, ay hindi naman talaga ‘laos’ at hindi rin sila mga literal na ‘pornstars’ noh!

Anyhoo, narito ang reaction video ni Maui Taylor sa mga reactions ng kanyang ka-childhood sa kanyang mapanuksong pelikula, na mapapanood na in selected cinemas in MECQ areas at sa Viva Max na magla-launch na sa January 29. Tumangkad din ba kayo dahil kay Maui Taylor? Teehee!