VLOG WATCH: Masarap ba ang Cookie ni Erich Gonzales?

ADVERTISING
Vlog Watch

MISS NIYO NA ba si Erich Gonzales? Bago pa nagkaroon ng lockdown ay matagal-tagal na rin natin hindi napapanood sa TV o movie ang Davaoena actress. Kumusta na kaya siya?

Ang latest news na nasagap namin ay nakatakda itong gumawa ng pelikula sa Regal Films kasama ang kapwa Kapamilya contract star na si Arjo Atayde. Pagdating naman sa TV projects ay wala pa kaming naririnig na follow-up project nito. Mahigit isang taon na rin nang mamaalam sa ere ang teleserye niyang ‘The Blood Sisters‘ kung saan siya ang gumanap sa triplets na iba-iba ang personalidad. Sa sobrang exhausting siguro ng proyektong iyon ay mas minabuti na lang ng dalaga na umawat muna sa pagte-teleserye.

ADVERTISING

Ang dapat sana’y comeback project niya ay ang ‘Love Thy Woman‘. Pinalitan siya ng sexy actress na si Yam Concepcion nang bigla na lang mag-backout sa project si Erich. Why kaya? Hmmmm…

Anyway, mukhang enjoy na enjoy si Erich sa kanyang extended break sa paggawa ng TV projects. These days ay ang pagbi-bake ng Oatmeal Cookies ang pinagkakaabalahan niya. Masarap ba ang Cookie ni Erich? Mamsh, penge naman kami n’yan!

ADVERTISING

 

ADVERTISING