VLOG WATCH: Maris Racal’s Upgraded Room Tour!

Vlog Watch

LAST YEAR, pinaunlakan tayo ni All-Purpose Queen Maris Racal ng house and room tour. Doon ay sinabi rin niya na may balak siyang magpa-renovate at in due time ay ipapakita niya ang upgraded version ng kanyang kuwarto.

The long wait is over dahil finally ay ipinasilip na ito ng blooming actress/singer. Ang goal ng dalaga ay magkaroon ng minimalist room at halos lahat ng gamit sa kanyang upgraded room ay puti or in the light color tone.

In fairness, kahit maliit ang espasyo ng kanyang kuwarto compared to other celebrity rooms ay napaka-functional nito, ha? Sa unang tingin ay hindi mo mapapansin na may mga hidden compartments pala. Sa katunayan, nakakuha ako ng ideya para kung sakaling magpapagawa rin kami ng storage at bagong kama sa bahay ay gagamitin ko ang ilan sa mga concepts na ibinahagi ni Maris.

 

Watch niyo na, dali! Teka – napansin namin na may picture frame sa kanyang bed side na pixelated. Sinetch?! Your guess is as good as mine! PAK!