VLOG WATCH: Maris Racal at Kokoy de Santos, magdyowa na?! (for a day!)

Vlog Watch

USO sa mga celebrity vloggers ang ‘Magdyowa for a Day‘ challenge. Ang latest na kumagat sa paandar na ito ay ang Stay-In Love lead stars na sina Maris Racal at Kokoy de Santos.

Identified noon si Maris Racal sa kanyang longtime onscreen partner na si Inigo Pascual. Marami ang umasa na mauuwi sa totohanan ang kanilang sweet-sweetan, pero nauwi lang ito sa friendship.

On the other hand, identified naman si Kokoy de Santos sa kanyang Game Boys co-star na si Elijah Canlas. Idagdag pa r’yan ang kanyang mga male partners sa pelikulang Fuccbois na si Royce Cabrera at sa digital series na ‘Oh, Mando!’ na si Alex Diaz. Ayon kay Kokoy, straight daw ito in real-life kaya purely for work ang kanyang chemistry with his male onscreen partners.

Sa mga hindi nakakaalam, may weekly series sina Maris at Kokoy sa TV5. Ito ag ‘Stay-In Love’ na palabas tuwing Martes ng gabi sa TV5. Dahil laging naka-lock-in taping, hindi na kami magtataka kung maging totohanan ang pagiging in love nila!

Gusto mo ng sampol? Panoorin niyo ang latest video ni Maris kung saan nagpanggap sila ni Kokoy na sila’y magdyowa na for a day! Hmmm… na-extend kaya ito? Kilig pa more!