VLOG WATCH: Marco Gumabao’s MMFF Hosting Experience

Vlog Watch

NAKANOOD ba kayo ng pelikula sa digital edition ng 2020 Metro Manila Film Festival? O aware ba kayo na may MMFF pa rin under the new normal?

Sa mga hindi aware, ongoing pa rin po ang 2020 MMFF at maaari pa rin ninyo mapanood ang mga pelikulang bet ninyo sa pamamagitan ng Upstream.ph. Puntahan nyo lang ang 2020 MMFF Guide na ito para mas mapadali ang panonood niyo ng buong family!

Last December 27 ay ibinulgar na kung sinu-sino ang mga kalahok na nanalo ng tropeyo at si Marco Gumabao ang isa sa mga hosts sa first ever virtual gabi ng parangal ng isa sa biggest film festivals ng bansa. Curious ba kayo kung paano nila shinoot nina Kylie Verzosa, Chad Kinis at Giselle Sanchez ang kaganapang ito?

In fairness dito kay Marco, hindi lang siya basta guwapo, huh? Bongga rin ang sense of humor! Bihira kami matuwa sa vlogs ng male celebrities kaya naman a breath of fresh air ang pagka-kenkoy ng hunk na ito. Want good vibes? Watch na!