VLOG WATCH: Marco Gumabao reads Thirst Tweets (chill, daddy!)

Vlog Watch

DUMANAS ng ‘dry season’ ang mga fans and followers ni Marco Gumabao sa YouTube. Palibhasa, namihasa ang mga ito dahil nang mag-umpisa ito ng kanyang vlog channel ay every week ito may entertaining content. Dahil spoiled tayo sa pappable hunk ng Viva, nararapat lang na bumawi ito sa kanyang comeback, huh!

Nawala pala ng slight si Marco dahil nabusy ito kay Megastar Sharon Cuneta. Yes, si Marco Gumabao ang leading man niya sa kanyang comeback film na ‘Revirginized’. Title pa lang, scandalous na! Ngayon pa lang ay samu’t sari na ang reaksyon ng mga netizens sa tabalang CuBao nina Cuneta at GumaBao. O, ‘diba?! Pak na pak!

 

Sa pagiging daring ni Marco ay hindi mapigilan ng kanyang fans na magpantasya sa kanya. Nakakaaliw dahil mga nakakalokang thirst tweets (as in literal na thirst tweets at hindi puro pabebe at pa-safe, huh!) ang binasa ng binata. Meron d’yan ang gustong ma-choke at meron pa na gustong magpaalipin sa kanya. Nakakaloka!

Bet mo bang manood? Panoorin niyo na si Jekjek para jekjek after! Hahaha!