VLOG WATCH: Marco Gumabao, naging alipin ng mga Beks Battalion?!

Vlog Watch

PANTASYA ng maraming babae at baklush na ma-hire ang hunk actor na si Marco Gumabao bilang kanilang house boy. Imagine mo na lang na may barakong naghuhugas ng pinggan, naglilinis sa iyong bakuran at dinidiligan ang sarili… este, ang mga halaman! Power, ‘diba?!

Ito mismo ang pantasyang tinupad ni Marco para sa kanyang mga ka-village na Beks Battalion members na kinabibilangan nina Chad Kinis, MC at Lassy. Konting tambling lang ay madaling makakapasok si Marco sa bahay ng mga beks na very willing naman to hire him.

So, for a day ay nanilbihan si Marco bilang ‘alipin’ ng mga bading. Tinuruan nila ito kung paano maghugas ng pinggan, binigyan ng sariling kwarto, inalalayan sa pagdilig at kung anu-ano pang kalokohan.

If you need some serotonin boosts lalo na’t Linggo, panoorin na ang laugh trip video na ito!