VLOG WATCH: Mansyon ni John Estrada, sinugod ni Long Mejia! (MAMEN!)

ADVERTISING
Vlog Watch

NAAALALA mo ba ang tambalan ng mag-‘mamen’ ng TV5 noon na sina John Estrada at Long Mejia? Isang pogi at isang feeling pogi = Everybody Hapi! 

Twelve years ago ay nagsama sa Kapatid Network ang dalawang komedyante. Ang isa ay nagmula noon sa ABS-CBN habang ang isa ay galing sa GMA-7. Nang mawala ang mga nightly comedy shows sa telebisyon noong late 2000’s, marami ang nakahanap ng tahanan sa TV5 at luckily ay natuloy noon nina John at Long ang pagpapatawa sa kani-kanilang mga fans na naghahanap ng pampatanggal ng stress sa buhay.

ADVERTISING

Pagkalipas ng ilang taon ay nagsama muli ang mag-‘mamen’! Hindi man sa isang situational gag show, sa isang pa-house tour naman naganap ang kanilang reunion. Sinugod lang naman ni Master Long Mejia ang mansyon ng kanyang mamen sa Cavite. Sa sobrang ganda ng bahay ay napakagara nito dahil sa tabi ito ng isang golf course! Dream house come true talaga!

S’yempre, hindi mawawala ang mga jokes ni Long. Pinakabenta para sa amin ang parte kung saan nagbigay siya ng payo kay John na lagyan ng bubong ang kanyang swimming pool dahil baka mabasa ng tubig! Kalurkey!

ADVERTISING

Anyway, kung kayo ay naghahanap ng house inspiration, watch ninyo ang panunugod ni Master Long Mejia kina John Estrada! Mapapanood kaya natin silang dalawa muli sa isang TV or movie project? Gusto namin ‘yan, mameeeen!

ADVERTISING