VLOG WATCH: Major Condo Decluttering Time with Jessy Mendiola

Vlog Watch

DO YOU still remember when was the last time you did some decluttering at home?

Ito ang ginawa ng magandang aktres na si Jessy Mendiola, na opisyal na naging Mrs. Manzano na noong Pebrero. Kahit na kasal na ito kay Luis, hindi pa rin pinapakawalan ni Jessy ang kanyang personal condo unit dahil dito siya madalas mag-record ng kanyang mga vlogs at ayon sa kanya, mas maganda rin ang lighting doon.

Dahil espesyal ang espasyo na ito para kay Jessy, isang bonggang decluttering ang kanyang ginawa. For years, ang nasabing property ang naging storage ng kanyang mga kagamitan tulad ng damit, bags, sapatos, accessories at kung anu-ano pang essential items para sa kanyang line of work bilang artista.

 

Two years ago ay gumawa rin ito ng major decluttering video at mapapansin natin na may mga gamit nan a-retain at meron din naman na willing na siyang i-let go.

Kung kailangan mo ng inspirasyon o makakasama sa pagdedeclutter ng bahay, sabayan niyo na si Jessy! Aminin natin – minsan talaga nakakatamad lalo na kung overwhelming ang laman ng ating mga cabinets. Have a productive week!