VLOG WATCH: Maja Salvador’s First Day as a Dabarkads sa Eat Bulaga!

Vlog Watch

HINDI KAYO namalik-mata: Official Dabarkads na nga ang Dance Floor Princess na si Maja Salvador!

Si Maja Salvador ang bagong dagdag sa kuwelang barkadahan ng Eat Bulaga! Dream come true para sa award-winning actress/performer mula Aparri na mapasali sa longest running noontime show ng bansa! Tulad ng ilan sa mga batang naging routine na nood ang manood ng TV kasama ang mga magulang o kalaro, pinangarap din ni Maja na mapasali sa Little Miss Philippines. Ang kaso, sa sobrang layo ng kanyang hometown ay hindi niya natupad ang kanyang munting pangarap.

Fast forward to the present: Isa na siyang ganap na Dabarkads!

Isang dance segment ang pangungunahan ni Maja at sa kanyang special vlog ay ikuwinento niya kung kailan siya nahilig sa pagsasayaw. Malaking impluwensya pala ang kanyang ina, na nood ay parte rin ng isang dance group. Pangarap nila noon na makapagtanghal sa Eat Bulaga,pero hindi ito pinalad. Ngayon, mismong ang kanyang anak na ang tutupad ng kanyang pangarap! Pak na pak!

Ano na kaya ang next step ni Maja? Will she officially join the Kapuso network soon? Sa ngayon ay dance step muna! Ahihi! Sige, ikembot!