VLOG WATCH: Maja Salvador does the ‘Speaking Ilocano Only Challenge’ (napintas!)

Vlog Watch

LUMAKI sa Aparri, Cagayan ang versatile actress na si Maja Salvador. Ito ang dahilan kung bakit fluent ito sa pagsasalita ng Ilocano. Yes, certified Ilokana Girl ang Her Majasty!

Maraming may dugong ilocano sa showbiz, pero konti lang ang fluent sa pagsasalita nito. Lumalabas ang pagiging Ilocana ni Maja sa tuwing may kausap ito na close family members at lumabas na rin ito sa pelikula kung saan required siyang magsalita nito (panoorin niyo ang Thelma!)

Kahit aminadong medyo ‘mapurol’ na ang kanyang Ilocano skills, ginawa pa rin niya ang ‘Speaking Ilocano Only Challenge‘. Inuna na niya ang kanyang ina, close related at ilang ka-close sa showbiz na may dugong Ilocano rin! Any guesses?

Sige, first clue ay taga-Pangasinan na ngayo’y voice actor para sa isang animated film sa Netflix. Ang ikalawa naman ay ang bagong talent niya under Crown Artist Management na nakatakdang magbida sa isang Kapuso teleserye. May kapatid din ito na ‘napintas’. Nahulaan niyo ba?