VLOG WATCH: Madrid Food Crawl with Bea Alonzo (Spain Travel Vlog)

Vlog Watch

ISA BA sa mga dream destinations mo ang Spain? Habang waiting pa tayo sa moment na ‘yan, maki-Madrid Food Crawl muna tayo with Ms. Bea Alonzo!

Last month ay nabalitang lumipad patungong Espanya ang magandang aktres na hindi kasama ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque. Kasama ang ilang kaibigan ay dumiretso ito sa Madrid at ipinasilip niya ang mga lugar na kanyang pinuntahan tulad ng Plaza Mayor, Lateral, Mercado de San Miguel, and Cafe Commercial, El Rastro Flea Market, atbp.

S’yempre, food trip! Tumikim si Bea ng tapas, wine, sangria, cochinillo at kung anu-ano pang famous Spanish cuisine.

Kahit na siya ay galing sa Pilipinas ay hindi pinalagpas ni Bea ang pagkakataon na kumain sa Jollibee sa Madrid, kung saan natikman niya ang Sriracha Fries na doon lamang sine-serve.

Mabuti at nakapagliwaliw si Bea bago ang kanyang lock-in taping para sa Philippine adaptation ng Start Up! Kung plano ninyong bumiyahe patungong Madrid soon, use this video as inspiration!