VLOG WATCH: Luis Manzano reacts to Wedding Memes (laugh trip!)

Vlog Watch

ESPESYAL ang February 21, 2021 para sa longtime partners na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola dahil sa wakas ay ikinasal na rin sila. Pribado ang kanilang wedding ceremony na ginanap sa Lipa City, Batangas at mga malalapit na kapamilya at kaibigan lang ang inimbitahan. Nakuha ng dalawa ang privacy na kanilang inaasam-asam.

Pero riot naman ang kinalabasan ng isa sa trending photos of 2021. Hindi nila inaasahan na ang screenshot ng pag-iyak ni Luis habang pinapanood si Jessy sa kanyang paglakad ay magiging isang mabentang meme sa mga netizens. Si Jessy ay may sariling meme din bilang ‘angry bride’.

 

Dahil natural ang pagiging komikero ni Luis, imbes na makiusap sa netizens na tigilan ang pagti-trip sa kanyang emotional photo, ay hinikayat pa niya ang mga ito na gumawa pa ng maraming meme. May mga bongga, may korni, may nakakaloka at kung anu-ano pa! Sa sobrang dami ay kahit mismo ang newly-married couple ay nahilo na sa katabaan ng utak ng mga tao.

Sa pagreformat ng kanyang sariling YouTube channel na Lucky TV ay pang-buena mano ni Luis ang pag-react sa mga trending and viral memes na ito. Kasama ba rito ang ambag ninyo? Kung kayo ay nalulungkot at walang makausap ngayon, makitawa na lang tayo!