VLOG WATCH: Luis Manzano and Jessy Mendiola’s New Home Tour… for now

Vlog Watch

MARRIED LIFE is a blissful one para kina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Kitang-kita naman sa vlogs nilang dalawa na chill lang ang kanilang pagsasama. No dramas and they’re just taking it one step at a time.

Kamakailan lang ay ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang rental home. Bakit rental home? Hindi pa kasi tapos ang construction ng kanilang dream house kaya rito muna sila mananatili sa property na ito na may four bedrooms. Kunsabagay, maganda rin na gusto na nila ang kanilang rental home dahil mahaba-haba rin sila mananatili rito. Might as well personalize it the way they want to, ‘di ba?!

Kahit na hindi pa kumpleto ang kagamitan sa kanilang bahay, kitang-kita na ang mga art collection ni Luis na karamihan ay gawa nina Erwin Borlongan at Ramon Orlina.

Kung kayo ay lilipat sa bagong bahay or you’re thinking of planning your dream home, nood na for inspiration from Mr. and Mrs. Manzano!

Previous articleThings You Didn’t Know About Maxine Medina
Next article‘Legal Wives’ nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali magtatapos na