VLOG WATCH: Lovi Poe’s sultry version of ‘Dreams’ by Fleetwood Mac

Vlog Watch

BAGO PA nakilala bilang sexy at magaling na aktres, una munang sumabak si Lovi Poe bilang isang singer.

Hindi maikakaila na like her sexy image, very sultry din ang boses ng talented artist na ito. Marami nga ang naghihintay sa kanyang bagong full-length album. Nagpatikim ito noong 2019 with her OPM song ‘Segundo’. Dahil na rin ‘yata sa Covid-19 pandemic ay naantala ang paglabas ng kanyang first album under Viva Records.

Next week ay ilalabas ni Lovi ang kanyang bagong single na ‘Under’ na sa Amerika pa kinunan ang music video. Habang naghihintay tayo sa bagong ganap nng Primera Aktresa, atin munang pakinggan ang cover niya ng iconic Fleetwood Mac hit na ‘Dreams’. Sa mga medyo mas bata, baka naabutan ninyo ang The Corrs version ng kanta.

 

With this new cover, magtuloy-tuloy na kaya ang pagbabalik ni Lovi Poe sa pagkanta? Oo nga pala, kakatapos lang ng pilot week ng ‘Owe My Love’ nila ni Benjamin Alves sa GMA-7. Congrats and welcome back Lovi!