VLOG WATCH: Love Drunk ‘Never Have I Ever’ Game nina Julia Barretto at Gerald Anderson!

Vlog Watch

SA WAKAS ay lumabas na sa ‘Drink & Spill‘ segment ng YouTube channel ni Julia Barretto ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson!

Matagal na rin nirerequest ng fans nina Julia at Gerald na magsama sila sa nakakaaliw na segment na ito. Pagkatapos ng mga kaibigang sina Marco Gumabao, Ina Raymundo at kapatid na si Dani Barretto, it’s about time na nga naman na ang nag-iisang nagmamay-ari ng kanyang puso na ang kanyang ka-shot huh!

Sa ‘Never Have I Ever’ Drink & Spill nina Julia at Gerald ay marami kaming natutunan. Una na r’yan ang term of endearment nila sa isa’t isa. Sino si ‘Love’? Sino si ‘Baby’?

 

Sino sa kanila ang nakapag-drunk call na? Nakipag-halikan sa isang stranger? What about someone na nakapagsend na ng sexy selfie sa kanilang special someone? Mabibigla kayo in a fun way!

Anyway, napansin namin na mukhang mas malakas uminom si Julia kumpara kay Gerald. With their body heating up, no wonder they’re drunk in love. SHOT PA!