VLOG WATCH: ‘Lolong’ ni Ruru Madrid, made-delay na naman?!

Vlog Watch

MATAGAL-TAGAL na rin inaabangan ng mga Kapuso viewers ang action series na ‘Lolong‘ na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Simula nang i-anunsyo ang konsepto ng proyekto sa publiko hanggang sa mapili sina Ruru Madrid bilang bida at si Shaira Diaz as the leading lady ay marami na ang umasa na ipapalabas ito ngayong 2021.

Dahil sa pandemya at unpredictable weather ay nadelay na ng nadelay ang proyekto. Ang latest ay ang supposed second cycle of lock-in taping ng programa ay napostpone muli dahil may isang miyembro ng staff/crew na nagpositibo sa Covid-19.

Kahit na one whole week nag-quarantine ang Team Lolong ay napagdesisyunan ng management na i-delay ang lock-in taping cycle for everyone’s safety na rin. Dahil dito, nalungkot muli si Ruru dahil mtagal niyang pinahandaan ang proyektong ito. Well, buti na lang at aktibo ito sa kanyang bagong vlog channel ay sila rin ang buena mano ng Regal Studio Presents sa season 2, huh!