VLOG WATCH: LOLONG behind-the-scenes ni Ruru Madrid!

Vlog Watch

UMAARIBA sa primetime gabi-gabi ang ratings ng action-fantasy series na Lolong ng GMA-7. Ito ay pinagbibidahan ng hunk actor na si Ruru Madrid at masasabi na worth the wait ang paglabas ng proyektong ito. Sa dami ng pinagdaanan ng Lolong team ay siguradong fulfilling mapanood na ito sa telebisyon.

Maliban sa ilang taon na pagkakadelay dahil sa pandemya, naaksidente din si Ruru sa final lock-in taping leg ng programa. Totoong blood, sweat and tears ang binuhos ng aktor at nakakaproud naman panoorin ang output ng pinakamamahal niyang proyekto.

Sa ngayon ay busy na si Ruru sa South Korea para sa shooting ng Running Man Philippines, pero hindi ito dahilan para hindi niya i-share sa kanyang beloved fans ang ilan sa behind-the-scenes footage ng Lolong. Bigla tuloy namin namiss ang mga action movies! Sana, pagkatapos nito ay bigyan din ng chance si Ruru na magbida sa isang bonggang action film. Baka naman…

Previous articleCharlene Gonzales nami-miss ang pagsayaw
Next articleLuis Manzano, umamin na muntik nang iwanan ang showbiz