VLOG WATCH: Loisa Andalio at Ronnie Alonte, sumalang sa ‘My Boyfriend Does My Makeup’ Challenge!

ADVERTISING
Vlog Watch

MISS NIYO NA ba ang reel-to-real lovebirds na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte o LoiNie? Matagal-tagal na rin natin sila hindi napapanood sa isang regular TV show (naantala ang kanilang pagpasok sa ongoing series na ‘Bagong Umaga’) kaya naman super happy ang fans ng dalawa na sa wakas ay pinasok na rin nila ang YouTube world.

Napapadalas na ang pag-upload ng magdyowa ng vlogs. One of our favorites is their take on the ‘My Boyfriend Does My Makeup‘ challenge na swak na swak sa kanila. Celebrity endorser ng isang local cosmetic brand si Loisa na super visible sa video. Okay din ito na guide para sa mga taong gustong matuto mag-makeup at hindi sigurado kung ano ang modern ‘basics’ sa pagme-makeup.

ADVERTISING

Kumpara sa ibang celebrity challenges of the same theme, nakakaaliw ang batuhan ng linya ng mag-beh. Sure kami na kilig ang kanilang mga fans!

Habang naka-lockdown ang karamihan sa atin, okay din na mag-practice na mag-makeup habang nasa loob ng bahay. Practice lang tayo para makulayan ang boring nating quarantine mga beh!

ADVERTISING
ADVERTISING