VLOG WATCH: Lock-In Taping Experience ni Rhian Ramos Para sa ‘I Can See You’

ADVERTISING
Vlog Watch

LAST MONTH ay pinakilig tayo ng ilan sa top Kapuso stars sa four-week primetime drama anthology series na ‘I Can See You’. Ilan sa mga artistang nagbida sa mga episodes ay sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Paolo Contis, Andrea Torres, Yasmien Kurdi, Benjamin Alves, Lovi Poe, Tom Rodriguez, Winwyn Marquez, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Rhian Ramos.

Sa ika-apat at huling linggo ng special primetime show na ito ay nagbida sina Jennylyn, Dennis at Rhian sa drama-thriller na ‘Truly, Madly, Deadly‘. Pinagusapan ang nasabing episode hindi lang dahil sa galing ng mga bida, pero dahil sa nakakagulat na kissing scene nina Jennylyn at Rhian! Kinilig ang mga fans sa eksenang ito dahil pinayagan ang eksenang ito na noong ginagawa ni Rhian noon ang ‘The Rich Man’s Daughter’ ay online na lang nilabas ang nakakainlab na halikan nila ni Glaiza de Castro dahil hindi pa puwede for telecast.

ADVERTISING

Dahil kalahating taon din hindi nagtaping si Rhian (may ongoing show siya na ‘Love of my Life’ bago nagkaroon ng pandemic), big adjustment din for her ang pagbabalik-trabaho. Panoorin kung paano naitawid nina Rhian ang taping under ‘the new normal’, na kahit naka-lock in sila sa isang resort sa Batangas ay marami pa rin restrictions and adjustments na naganap.

Balita namin, soon ay magkakaroon na ng one month lock-in taping ang ‘Love of my Life’ at goal ng production na tapusin na lahat ng episodes. May mga advice din na ibinahagi si Jennylyn, na nakaranas na ng locked-in taping para sa ‘Descendants of the Sun’ na ngayo’y fresh episodes na ang ipinapalabas. Silip na!

ADVERTISING
ADVERTISING