VLOG WATCH: Laba at Lamon sa First Lady Quarantine with Ms. Sanya Lopez!

Vlog Watch

MAGBABALIK NA si Sanya Lopez sa primetime ngayong February! Hindi maikakaila na ang dalaga ang isa sa biggest stars of 2021 dahil sa success ng kanyang romantic-comedy series na First Yaya, kung saan katambal niya ang ever handsome na si Mr. Gabby Concepcion. Kung hindi kami nagkakamali, ang programa ang pinaka-highest rater ng GMA sa primetime last year.

Sa sobrang sakalam ng GabSan tandem ay pinagbigyan ng Kapuso network ang request ng viewers na magkaroon ng book two. And yes, si Melody ay isa nang First Lady!

Nag-umpisa na noong November 2021 ang lock-in taping for First Yaya. As part of the safety protocols ay nag-quarantine muna sa isang hotel ang lahat ng cast and crew ng programa. Anu-ano nga ba ang ginawa ni Sanya while on quarantine? Watch natin at sabayan natin ang pagiging productive ni Yaya… Este… First Lady Melody! In fairness, masaya sila nang sila’y magreunite na, ha?!

Previous articleRuru Madrid inamin na muntik nang magquit sa showbiz dahil sa depression
Next articleTop 5 Exciting Films You Can Watch on Vivamax