VLOG WATCH: Kyline Alcantara’s lock-in taping experience for ‘I Left My Heart in Sorsogon’

Vlog Watch

GABI-GABI pinapanood ng mga loyal Kapuso viewers ang feel-good romance-comedy series na ‘I Left My Heart in Sorsogon‘. Maliban sa nakakaintrigang love triangle sa pagitan nina Tonito (Richard Yap), Celeste (Heart Evangelista) at Mikoy (Paolo Contis), kinakikiligan naman ng younger crowd ang lalong tumatamis na love story nina Basti (Mavy Legaspi) at Tiffany (Kyline Alcantara).

May tsika kaming nasagap na from reel ay naging ‘real’ na ang romantic relationship ni Kyline Alcantara sa kanyang leading man na si Mavy Legaspi. Sa vlog na ito ay makikita natin how comfortable the two are sa piling ng isa’t isa at hindi maikakailang may ‘something’ na namamamagitan na.

If you’re a big fan of the show or you’re one of Kyline’s ‘sunflowers’, panoorin na ang vlog na ito. Akalain mong next month ay magtatapos na ang programa? With that being said, magiging visible pa rin kaya si Mavy sa vlogs ni Kyline? Abangan natin ‘yan!