VLOG WATCH: Kylie Verzosa and Jake Cuenca’s Palawan Escapade (no proposals!)

Vlog Watch

HOT NA HOT and very much in love ang reel-to-real power couple na sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa. Nag-umpisa ang kanilang love story sa set ng ‘Los Bastardos’ two years ago at hanggang ngayon ay going strong pa rin ang relasyon nila.

Parehong busy with their respective shows and film projects sina Jake at Kylie ngayong quarantine. Ito ang rason kung bakit deserve nila ang isang Palawan getaway to also celebrate Kylie’s special day.

Naging usap-usapan sa social media ang diumano’y ‘proposal prank’ ni Jake kay Kylie nang maghanda ito ng surprise candlelit dinner para sa kanyang minamahal. Nilinaw na ni Kylie na she didn’t expect anything at tigilan na raw sana ng mga tsimoso si Jake.

 

Well, based on this travel vlog uploaded by our 2016 Miss International, mukhang steady and very relaxing ang Palawan getaway nina Jake at Kylie! They’re very much in love and living in the moment! Kaya sa mga naysayers d’yan, lipad na lang din kayo ng El Nido, Palawan para naman mahimasmasan kayo, huh! Char!