VLOG WATCH: Kris Bernal’s ‘Hubadera’ Birthday Pictorial (last na?!)

Vlog Watch

GINULANTANG ng actress/businesswoman/vlogger na si Kris Bernal ang kanyang fans and supporters nang ilabas niya ang kanyang ‘hubadera’ photos na kuha sa isang intimate pictorial para sa kanyang 32nd birthday na siya mismo ang nag-conceptualize at nagprodyus.

Sa kanyang social media posts noong araw ng kanyang kaarawan ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin patungkol sa growth, maturity and body positive with her ‘topless’ and daring photos attached.

 

Sa mga curious, nagdesisyon ang talented actress na gawin ang kakaibang pictorial na ito bago pa siya ikasal sa kanyang fiance na si Perry Choi. Pakiramdam namin ay nalalapit na ang pag-iisang dibdib ng dalawa kaya naman maganda rin na may memories si Kris sa kanyang hotness bago pa ito tumuntong sa next stage ng kanyang buhay bilang isang maybahay at ina.

Marami-rami rin pala ang mga larawang nakuha para kay Kris sa pictorial na ito. Maliban sa kanyang viral photos ay may mga lingerie layouts din ito. Can’t wait na masilip ang final photos ng nag-iisang KrisB!

Previous articleThings You Didn’t Know About Bella Poarch
Next articleKPOP Album Review: Romanticize by NU’EST