VLOG WATCH: Kris Bernal, naging utusan sa sariling restaurant?!

Vlog Watch

MALIBAN sa pagiging isang versatile actress, kilala rin si Kris Bernal bilang isang wais na celebrity businesswoman. Kilala na ng mga makeup lovers ang kanyang cosmetics line na SHE Cosmetics (in fairness naman sa lipsticks nila mga memsk!), pero alam niyo na ba na Kris owns a Korean BBQ Restaurant?

Kung napapadaan kayo sa Kyusi, malamang ay nadaanan niyo na rin ang House of Gogi sa Banawe Street. Si Kris at ang kanyang fiance na si Perry ang owners nito. Mas hands on si dyowa sa negosyo kaya naman mas gamay nito ang pasikot-sikot.

 

Not long ago ay napagtripan ni Kris si Perry at sinabing nawala niya ang engagement ring niya. Bilang pambawi ay ginawang utusan ni Perry at ng crew ng House of Gogi si Madam Kris. Naku, makaka-survive kaya siya? Naka-dress pa ‘yan! Let’s see nga kung lalaban ba o aatrasan ng Ate ng Ate Ko lead star ang challenge na ito!