VLOG WATCH: Kitchen Renovation and Organization Talk with Kathryn Bernardo

Vlog Watch

KAHIT isa si Kathryn Bernardo sa biggest celebrity natin dito sa Pilipinas, mailap pa rin ito na ipasilip ang kanyang personal na buhay partikular na ang kanyang bahay. Kaya kahit nauuuso ngayon ang mga pa-house tour ng mga artista kung saan ipinapakita nila ang bawat sulok ng bahay nila, ibahin ninyo si Kathryn!

Well, at least may isang parte ng bahay na willing ipakita ang superstar at ‘yan ay ang kanyang kusina na newly-renovated!

Alam ng mga fans and followers ni Kathryn na mahilig ito magbake at magluto, kaya naman siguradong sa kusina niyo ito madalas makikita in her rest days at home. Relatable ang goal ni Kathryn na i-organize ang kanyang kitchen lalo na’t newly-renovated ito. With the guidance of a professional ay natuto ito ng ilang kitchen organization tips na siguradong makukuhanan niyo rin ng aral na puwedeng mai-apply rin sa inyong buhay bahay!

Do you need some motivation to organize your messy kitchen? Watch Kathryn’s newest vlog! Now na!