VLOG WATCH: Kim Chiu’s Secret Hideout Revealed! (Condo Tour!)

Vlog Watch

THESE DAYS, madalas na mag-isa si Kim Chiu. Maliban sa pagiging busy with her It’s Showtime family, ang kanyang boyfriend na si Xian Lim naman ay kasalukuyang naka-lock-in taping para sa kanyang bagong proyekto with GMA-7.

Sa mga araw na gusto ni Kim na mapag-isa, makapagpahinga at magmuni-muni ay dumidiretso ito sa kanyang secret hideout – ang kanyang biniling condo unit!

Binili niya ang condo unit na ito noong 2015 as an investment, pero napakinabangan niya ito for her mental health lalo na ngayon na hanggang ngayon ay nasa pandemya pa rin ang buong mundo. With the lack of travel opportunities due to safety reasons, mas na-appreciate na ni Kim ang pamamalagi sa kanyang property. Ang saya, ‘diba?

Nainspire tuloy kami na magtrabaho ng maigi, mag-ipon, mag-invest sa isang property para magkaroon din kami ng secret hideout lalo na kung bet namin mag-emote o ayaw lang namin makakita ng tao! He-he-he!