VLOG WATCH: Kim Chiu’s Best and Worst Bag Purchases (and the stories behind it!)

Vlog Watch

HINDI naman lihim sa mga loyal fans ng Kapamilya star na si Kim Chiu na once upon a time ay nahilig ito sa pangongolekta ng luxury bags. Katulad ng ilang showbiz personalities na biglang sinuwerte sa showbiz, ang pagbili ng mga bag ang naging ‘splurging’ outlet nito.

Ngayon na tayo’y nasa pandemic pa rin at bawal pa rin lumabas ng madalas, binalikan ni Kim Chiu ang ilang bags sa kanyang collection at pinili nito ang kanyang ‘worst’ and ‘best’ purchases. Ang maganda sa vlog nito ay binalikan ni Kim ang kuwento sa likod ng mga bag at kung bakit ito ang mga napili niyang ‘best’ at ‘worst’.

Ang ilan sa mga nasa worst list ay binili niya lang on a whim. Ayon sa kanya, budol ang mga airport dahil madalas ay dito siya nakakapamilu ng mga bags, na hindi naman siya sure kung gusto ba niya talaga o bet lang niya na may bitbit siyang paper bag. Ha-ha-ha!

Karamihan sa mga nasa ‘best’ list niya ay ang mga bags na lagi niyang nadadala lalo na kapag siya’y nag-tatravel. Bago ang pandemya ay madalas na mamasyal sina Kim at Xian sa ibang bansa. Curious ba kayo sa bag collection ni Kim Chiu? Nood na!