VLOG WATCH: Kim Chiu takes the Truth or Drink Challenge (kabitin naman!)

Vlog Watch

SI KIM CHIU ang isa sa mga aktibong celebrity vloggers ngayon. Sa kanyang latest vlog ay ginawa nito ang ‘Truth or Drink’ challenge na matagal nang nauso sa YouTube.

Sa challenge na ito ay may mga juicy questions ang mga staff and crew ni Kim. May two choices ito: Sabihin ang ‘truth’ o tunay na sagot sa mga slightly personal questions. Kung ayaw naman niya itong sagutin ay kailangan niyang inumin ang mystery drink na nakalagay sa small cups. May toyo, hot sauce, empi, root beer at kung anu-ano pa.

Dito ay nalaman natin na may ex-boyfriend siya na ayaw makipag-kaibigan sa kanya, may dalawang artistang nakatrabaho na siya na may attitude at meron din siyang ayaw nang makatambal. Ang problema nga lang ay hindi niya pinangalanan ang mga ito! Kabitin!

 

Well, at least Kim Chiu is respectful enough not to divulge names. Nilunok na lang niya ang kanyang pride at literal na nilunok kung anuman ang mga mystery liquids na nasa mga baso.