VLOG WATCH: Kathryn Bernardo’s Ear Piecing Session (bet mo rin ba?!)

ADVERTISING
Vlog Watch

WALANG paawat ang Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo sa ear piercing. Kamakailan ay multiple na ang pinabutas nito na tila ito na ‘yata ang paboritong gawin ng aktres at ito’y kanyang lalong ipinaintindi sa kanyang fans and followers sa pamamagitan
ng kanyang vlog channel na ‘Everyday Kath‘ sa YouTube.

Matagal nang plano ni Kathryn na lalong padamihin ang kanyang ear piercings, na nadelay lang dahil sa pandemic. Kasama ang kanyang glam team na nagpa-anti gen swab bago magsama-sama ay na-document ni Kath ang kanyang fun piercing session with Oskie Esguerra, na siguradong makakatanggap ng maraming inquiries sa mga fans ni Kath
na gustong gayahin ang trip ng idol nila.

ADVERTISING

Double lobe and upper lobe piercings sa left ear at orbital ear hole naman sa left ear ang pinagawa ng dalaga. Pati si Mommy Min ay nagbudol na rin ng anak na magpa-ear piecing!

 

ADVERTISING

Ayon kay Kathryn, nag-umpisa ang kanyang pagkahilig sa ear piercing pagkatapos sumailalim sa ganitong proseso pagkatapos ng kanyang look test para sa pelikulang “Three Words to Forever”. Noong 2019 ay nadamay na rin ang kanyang showbiz friends na sina Ria Atayde at Juan Miguel Severo, na nakasama naman niya sa pelikulang “The House of Us”. Sa bawat achievements ni Kathryn ay gusto niyang i-celebrate ang mga milestones by having her ears pierced. Naku, baka maano na tenga mo n’yan ha!

Sa mga curious, watch Kathryn’s latest video na!

ADVERTISING