VLOG WATCH: Julia Barretto’s ‘Personal’ Walk-In Closet Tour!

ADVERTISING
Vlog Watch

NASAKSIHAN natin ang paglaki ni Julia Barretto. From a child star to a teen actress now and now stepping up to more mature projects, masasabi natin na she has come a long way! Yes, may kinalaman ang family connection niya sa pagpasok sa showbiz, pero ang pag-maintain ng kanyang status sa industrya ay pinaghirapan niya.

Hindi naman lihim sa lahat na ngayon ay nakabukod na si Julia sa kanyang inang si Marjorie. Living on her own, nakakabilib na meron na itong malaking bahay with matching walking closet inside at the young age of 23. Goals talaga!

ADVERTISING

Ipinasilip ni Julia Barretto sa kanyang bagong vlog ang walk-in closet kung saan nakalagay ang kanyang bags and shoe collection, ilang importanteng accessories / items at mga damit. Habang ipinapakita niya ito ay ikwinento na rin niya ang istorya sa likod ng mga ito. Kasama rito ang kauna-unahang bag na kanyang nabili mula sa first sahod, bakit ito nangolekta ng sapatos at bakit hindi ito namimili ng designer clothes. Praktikal nga naman ang kanyang opinyon dito!

 

ADVERTISING

Curious ka na ba? Tara na’t silipin ang bonggang closet ni Julia Barretto! Who knows, baka mabigyan ka ng inspirasyon para ayusin na rin ang napakagulo mong kabinet! Ha-ha-ha!

ADVERTISING