VLOG WATCH: Julia Barretto survives BF Gerald Anderson’s Workout!

Vlog Watch

WITH EVERYTHING that’s happening in the chaotic world right now, nananatiling happy and content sa piling ng isa’t isa ang controversial couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Alam naman ng mga madlang pipol na parehong fitness freaks ang magdyowa. Sa past fitness vlogs ni Julia ay ibinahagi nito ang ilan sa kanyang mga ab workouts na kahit na wala kang gym equipments ay kering-keri itong gawin anytime, anywhere. Sa katunayan, ginaya nga rin namin ‘yun, eh! ‘Yun nga lang, ‘di kami as determined as Julia kaya hindi namaintain ang pa-abs!

Level up naman ang workout in paradise ni Julia sa mismong property ni Gerald sa Zambales. With her dyowa as her personal fitness coach, nakita natin na strikto ito at kumpleto ang mga equipments. Sa totoo lang, masaya siguro mag-workout kung nasa resort ka at may kasama ka na gagabay sa’yo.

 

Love them or hate them, JuRald survived the scrutiny of the public. S’yempre, mas kaya nila i-survive ang pamatay na workout na ito na tinapos nila with Julia’s Beef Salpicao.

Curious na ba kayo sa bonggang workout routine ni Gerald na ipinagawa kay Julia Watch na!