VLOG WATCH: Julia Barretto, ipinakita ang kanyang AB Workout Routine!

Vlog Watch

TAPOS NA ang Holiday! Ibig sabihin nito, panahon na para magbalik-alindog program!

Karamihan sa atin ay nasa bahay lang noong 2020 dahil na rin mas mainam na manatili sa bahay para makaiwas sa Covid-19. Ang ilan sa atin ay nakahanap ng comfort sa paglamon ng pagkain na tipong ora-orada tayo nagbubukas ng nakaimpok na snacks kahit hindi naman tayo gutom! Aminin niyo ‘yan!

Isa pang excuse ay ang katatapos lang na Christmas and New Year celebration, kung saan overflowing ang mga food choices. Ngayon na tapos na ‘yan, let us all stop making excuses and start exercising!

Buti na lang at nag-upload si Julia Barretto ng kanyang AB Workout Routine sa kanyang Just Julia vlog channel. Aba, isa ‘yata sya sa mga artista natin na may bonggang flat tummy na talaga naman mapapa-sana all ka na lang.

Well, puwede na natin ma-achieve ang tummy goals ni Julia by copying her routine! Curious na kayo? Watch na!