VLOG WATCH: Judy Ann Santos cooks Japchae!

Vlog Watch

FROM TELESERYE QUEEN ay naging Reyna na ng Kusina ang nag-iisang Judy Ann Santos. Kung noon ay palagi natin inaabangan ang mga soap opera na pinagbibidahan niya, ngayon ay linggo-linggo tayong pinapatikim kung ano ang bagong putaheng ihahain niya sa kanyang YouTube channel na Judy Ann’s Kitchen.

Alam na alam ni Juday na maraming Pinoy ang nahuhumaling ngayon sa Korean dramas o KDrama. Sa mga programang ito ay madalas na ipinapakita ang mga Korean food na pati ang viewers ay natatakam at gustong matikman ang mga pagkain na ito.

Isa sa mga popular noodle dishes ng South Korea ay ang Japchae o glass noodles. Sa kanyang latest cooking video upload ay ipinakita ni Juday kung paano niya niluluto ang most-loved Korean dish na ito.

 

Kahit hindi natin matikman sa personal ay siguradong masarap ang luto ni Juday as seen on her supportive husband Ryan’s face! Idagdag pa na kasama ang kanyang lovely daughter na si Juana Luisa!

Ikaw, anong KDrama ang kinababaliwan mo ngayon?