VLOG WATCH: Juancho Trivino and Joyce Ching talks about Starting a Family – How to Prepare Financially

Vlog Watch

NANG magpakasal ang Kapuso couple na sina Juancho Trivino at Joyce Pring o mas kilala bilang Juanchoyce, naging open ang dalawa sa kanilang journey bilang newlyweds na ngayon ay bumubuo na ng kanilang sariling pamilya.

Bago pa manganak to a healthy baby boy si Joyce ay nakaparecord pa sila ni Juancho ng isang useful vlog/podcast patungkol sa pag-uumpisa ng isang pamilya. Alam naman nating lahat na starting a family and expecting a baby during a pandemic can be a bit overwhelming kaya mas maganda kung may open communication ang mag-asawa lalo na sa usaping pera. Hindi maikakaila na ang pera ang madalas na pinag-uugatan ng away o tampuhan ng mga magkasama sa bahay.

 

Sa mga nagbabalak na bumuo ng kanilang sariling pamilya soon, o kahit ang mga single d’yan, pakinggan niyo ang podcast na ito na siguradong mapapaisip kayo sa inyong sariling diskarte pagdating sa investments, savings at kung anu-ano pa. Nawa’y mapulutan ninyo ng aral!

PS: Congratulations, Juancho and Joyce! Sure kami na you will be good and responsible parents to your Baby Boy!

 

Previous articleAra Mina masayang umatend sa kasal nila ni Dave Almarinez ang ex-boyfriend na si Patrick Meneses
Next articleThings You Didn’t Know About Kim Molina