VLOG WATCH: Jojowain a Trotropahin with Ruru Madrid and Buboy Villar (OMG!)

Vlog Watch

MAG-BESTFRIENDS ang Kapuso actors na sina Ruru Madrid at Buboy Villar. Simula nang magsama sila sa romance-comedy series na TODA One I Love noong 2018 ay naging super close na ang dalawa. Hindi na kami magtataka kung sa Running Man Philippines ay pipiliin nila ang isa’t isa bilang kapartner o kasangga.

Para sa newest vlog ni Ruru Madrid na napapanood ngayon sa primetime via Lolong ay binisita nito ang puwesto ng kanyang beloved friend. Ang ‘Paresan ni Bok’ ang food business na tinayo ni Buboy noong kasagsagan ng pandemya at ilang beses na rin ito na-feature sa vlog channel mismo ng komedyante.

Sa kuwelang video upload ni Ruru ay isang gasgas pero mabentang challenge ang ginawa nila ni Buboy: Jojowain o Trotropahin?!

Ilan sa mga nabanggit na artista sa nasabing video ay sina Marian Rivera, Glaiza de Castro, Donnalyn  Bartolome, Jelai Andres, Herlene Budol, Maui Taylor at s’yempre, ang ‘Amihan’ ni ‘Ibarro’ na si Kylie Padilla. Curious ba kayo sa sagot ng mag-bok? Watch it!

Previous articlePagpapaseksi ni Jamilla Obispo on screen tanggap ng teenager na anak
Next articleJudy Ann Santos, tumigil muna sa pag-upload ng cooking videos dahil sa presyo ng bilihin