VLOG WATCH: Jessy Mendiola’s Hot PASABOG Pictorial bago mag-30!

Vlog Watch

SA DISYEMBRE pa ang 30th birthday ni Jessy Mendiola-Manzano, pero as early as now ay pasabog na ang kanyang pictorial!

A few days ago ay binulabog ni Jessy ang social media sa kanyang sexy cowgirl pictorial na pinusuan ng mga netizens lalo na ng kanyang very lucky husband na si Luis. ‘Yun pala, marami-rami pa ang layouts na nilatag na mismo ni Jessy sa kanyang vlog channel.

Well… what can we say? Jessy Mendiola wouldn’t be the sexiest Pinay for 2016 for nothing! Kahit na married na ito ay mini-maintain niya ang kanyang sexy figure by taking her fitness routine seriously, eating healthy at s’yempre, by being a satisfied wife to Luis! Kitang-kita naman sa vlogs nilang dalawa na they really complement each other at happy sa piling ng isa’t isa.

Ito na ba ang hudyat na ready na si Jessy na maging momshie kaya gusto niyang namnamin ang kanyang current sexy figure? Go Figure!