VLOG WATCH: Jessy Mendiola and Luis Manzano’s Jojowain o Totropahin Gone Wrong! (wedding postponed?!)

Vlog Watch

NALALAPIT NA ang pagiisang-dibdib ng longtime lovebirds na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Hindi rin biro ang mga pinagdaanan ng dalawa sa kanilang relasyon na mala-‘you and me against the world’ pa ang peg lalo na noong nag-uumpisa pa lang ang kanilang love story.

Dahil marami ang nagrerequest sa vlog ni Jessy, nag-give in na rin ang mag-fiance na gawin ang walang katapusang YouTube tag trend na ‘Jojowain o Totropahin‘. Hindi naman kaila na bago naging sina Jessy at Luis ay na-link din sila sa maraming artista. Want us to mention names?! Charot!

With that being said, iba’t ibang pangalan ng mga local and international celebs ang nabanggit sa Jojowain o Totropahin ng dalawa. But wait… sino itong ex daw ni Luis na pinagselosan bigla ni Jessy? Sa second level ng kanilang laro ay naging pagseselos at dededmahin ang kanilang ginawa. Naku! May walkout? Ano ito?! Tuloy pa ba ang kasal?! Emergerrrd!

Panoorin ang kuwelang Jojowain o Totropahin turned Pagseselosan o Dededmahin Tag ng future Mr. and Mrs. Manzano!