VLOG WATCH: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo’s ‘Paubaya’ Live Band Cover

Vlog Watch

MISS MO NA ba ang music collaborations ng real-life sweethearts na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo? Kung noong 2020 ay halos regular ang kanilang pagpopost ng ‘CoLove‘, napansin namin na medyo nag-dry up these past few months, huh!

No need to fret dahil nagbabalik na ang DenJen sa kanilang first love – singing! This time, ang controversial hit ni Moira dela Torre na ‘Paubaya‘ ang naisipang i-cover ng dalawa with the live band 3rd Avenue for a more soulful and emotional effect!

Sa totoo lang, mas gusto namin ang duet cover nina Jennylyn at Dennis. Maganda ang blending ng boses nila at kahit na sila’y very much in love with each other, ramdam mo pa rin ang pighating ipinapaubaya ng kanta. Kalerks! How talented!

 

Pakinggan ang rendition ng DenJen ng Paubaya at sabayan mo na rin ng pagmumuni-muni lalo na kung nakakarelate ka sa JoshLia… este, sa lyrics ng kanta! Hek-hek! Hindi nakakarelate sina Dennis at Jennylyn d’yan, but they’re talented actors and singers kaya feel na feel nila ang cover na ito.