VLOG WATCH: Jed Madela covers My Universe by Coldplay x BTS

Vlog Watch

PROUD ARMY ang sikat na Pinoy singer na si Jed Madela. Isa siya sa mga local celebrities natin na talagang kinakarir ang pagiging ARMY sa pamamagitan ng pagbili ng iba’t ibang BTS-related merchandise at pagcover ng kanilang mga kanta.

S’yempre, hindi siya magpapahuli pagdating sa bonggang collaboration ng BTS sa iconic British band na Coldplay. Hopeful ang vibe ng mga Coldplayers at ARMY dahil sa kanilang kantang ‘My Universe‘ na talagang inabangan ng buong mundo ang paglabas ng kanilang kanta at music video.

 

Knowing Jed Madela, inaral niya kaagad ang kanta at nagrecord ng sariling version much to the delight of his and the band’s fans. Anong masasabi niyo sa cover ni Jed Madela ng ‘My Universe’? Basta ako, gusto ko siyang sabayan sa pagbirit! You, you are my universe!! You make my world light up inside!!!