VLOG WATCH: JC De Vera’s Go-To Chest Workouts in the Gym

ADVERTISING
Vlog Watch

MALAKING dagok para sa fitness industry ang paglaganap ng Covid-19 sa bansa dahil ipinagbabawal ang social gathering at ang pananatili sa bahay ang safest option para hindi tayo dapuan ng sakit. Dahil dito, marami sa mga kababayan natin na nagtatrabaho sa mga gyms and other fitness studios ang naapektuhan ang kabuhayan.

Kahit ang mga artista natin na karamihan ay mahilig mag-gym ay kinailangan munang mag-improvise sa kani-kanilang bahay. Sa loob ng walong buwan ay nag-goodbye muna ang mga ito sa gym life.

ADVERTISING

Isa sa mga aktor na conscious sa kanyang fitness routine ay ang Kapamilya actor na si JC de Vera. After eight months ay nagbabalik ito sa kanyang suking gym at sa kanyang bagong vlog ay ipinakita niya ang safety protocols under ‘the new normal’ kung ikaw ay gogora sa paborito mong gym. Ang bonus ay ipinakita rin nito ang kanyang go-to chest workout! Kung love mo si Papa JC, today is your lucky day!

Huling napanood si JC sa programang ‘Pamilya Ko’ ng ABS-CBN. Madami ang nabitin sa love story nila ni Maris Racal at may mga nagwiwish na sana’y magkaroon ulit sila ng project together.

ADVERTISING

Balik-taping na si JC dahil isa siya sa leading men ni Erich Gonzales sa upcoming teleserye na ‘La Vida Lena’. Congrats JC!

ADVERTISING