VLOG WATCH: Janice De Belen’s Creative Craft Room

Vlog Watch

KILALA na ng lahat si Janice De Belen bilang isang magaling na aktres. Alam din ng kanyang loyal fans na magaling siya sa pagluluto (na namana ng kanyang anak na si Luigi) at mahilig din ito sa crafts na nagsisilbing hobby niya kapag wala siyang ginagawa.

Through the years ay kung anu-ano na rin ang mga naging hobby ni Janice. May phase siya na nahilig siya sa cross stitch (halos lahat naman ‘ata ng lumakin noong 80’s at 90’s can relate) at recently ay ang paggawa ng handmade greeting cards ang kanyang kinakarir.

Dahil na rin sa request ng kanyang beloved followers, pinaunlakan na rin ng drama actress ang mga viewers sa kanyang office and craft room, na maituturing na langit para sa mga craft lovers!

 

Lahat na ‘yata ng klase ng papel at craft materials ay mahahanap mo dito. Napakaaliwalas din ng vibe ng espasyong ito na naging isang creative sanctuary na rin ni Super Janice. Sa video na ito ay kwinento rin niya ang kanyang mga naging koleksyon tulad ng books, clowns at mga giraffes.

Kung may plano ka na mag-ayos ng iyong sariling creative workspace, panoorin mo na ang vlog ni Janice para makakuha ka ng inspirasyon at ma-push mo na ang iyong quarantine project!

Previous articleLooking Young and Energetic: Ara Mina, napiling endorser ng Imuregen
Next articleJolina Magdangal on ‘kaibigan mo lang ako’ scene with Marvin Agustin: ‘Iyon talaga ang nararamdaman ko!’